top of page

Community-Based Women Empowerment Training Matagumpay na isinagawa sa Parang Unit Office ng MSSD kung saan 30 women leaders ang sumailalim sa pagsasanay.

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Tatlumpung women leaders sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte ang matagumpay na nakumpleto ang Community-Based Women Empowerment Training ng MSSD na isinagawa mula February 5 hanggang February 7.


Sumailalim ang mga kalahok sa 10 modules sa ilalim ng Women’s Welfare Program ng MSSD na tumalakay sa self-care, maternal at child health, basic business management, functional literacy, at iba pang kaalamang makatutulong sa personal at sosyo-ekonomikong pag-unlad ng kababaihan.


Layunin ng pagsasanay na palakasin ang papel at partisipasyon ng kababaihan sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman at kasanayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page