Community Fire Auxiliary Group Training ng LGU Sultan Mastura, matagumpay
- Nov 19, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ikalawang araw ng Community Fire Auxiliary Group Training ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura, sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection, na isinagawa sa Municipal Gymnasium, tinalakay ang kahalagahan ng fire prevention, paggamit ng firefighting equipment, incident management, first aid response, at maayos na pagpapatupad ng evacuation procedures.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng organisadong koordinasyon sa pagitan ng mga barangay, LGU responders, at official response units upang matiyak ang mabilis at epektibong aksyon sa oras ng pangangailangan.
Ang CFAG volunteers ang nagsisilbing first line of defense sa mga barangay bago pa dumating ang emergency teams.
Nagpasalamat naman ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Municipal Planning and Development Coordinator Office sa lahat ng barangay responders, LGU responders, at sa BFP–Sultan Kudarat bilang katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng pagsasanay.
Ang naturang aktibidad ay suportado ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, sa layuning maging epektibo pa ang kahandaan ng komunidad na tumugon sa anumang sakuna tulad ng sunog.



Comments