top of page

COMPREHENSIVE PLANNING AND BUDGETING WORKSHOP Isinagawa ng MOLE BARMM para sa paghahanda at pagsumite ng Fiscal Year 2027 Budget Proposal

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagsilbing gabay ang workshop mga tanggapan at serbisyo ng MOLE sa paghahanda ng mga programa, proyekto, aktibidad at services sa para sa taong 2027 kasama na ang budget proposals, additional positions at procurement plans.


Isinagawa ang limang araw na Comprehensive Planning and Budgeting Workshop mula February 23 hanggang 27 sa Cotabato City.


Pinangunahan ito ng Research, Planning and Policy Development Services (RPPDS), tiniyak ng ministry ang accurasy sa baseline data para sa target-setting, kabilang na ang outcome at output indicators.


Nagpaalala naman si Labor Minister Muslimin Sema sa MOLE officials at personnel na siguraduhin na anglahat ng proposals ay naayon sa mandato ng ministry.


Dahil sa napakalaking mandato ng Ministry of Labor na pagsilbihan ang mahigit 2 milyong manggagawang Bangsamoro, binigyang-diin ni Minister Sema ang kahalagahan ng pagiging malinaw at obhetibo sa direksyon ng Ministry para sa susunod na taon.


Aniya, mahalagang maayos ang pagpaplano upang masigurong epektibo ang mga programa at serbisyo para sa labor sector. Pinuri rin niya ang mga kawani ng Ministry of Labor and Employment – BARMM (MOLE) sa kumpleto at napapanahong pagsusumite ng mga budget at financial accountability reports, pati na ang iba pang kinakailangang dokumento. Ayon sa kanya, malaking bagay ito sa pagpapanatili ng transparency at maayos na pamamahala sa rehiyon.


Sinabi naman ni MOLE Director General Surab Abutazil na ipinakita ng workshop ang sama-samang paninindigan ng Ministry para sa responsableng pamamahala ng pondo at mas maayos na paglalaan ng resources.


Sa isinagawang workshop, isinaalang-alang din ang mga probisyon ng Bangsamoro Labor and Employment Code upang matiyak na nakaayon ang kanilang mga programa sa umiiral na batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page