top of page

Congresswoman Bai Dimple Mastura at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura, nakipagpulong kay DBM Secretary Amenah Pangandaman para sa pagpapatibay ng mga proyektong nakalaan para sa lalawigan

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa courtesy call ni Maguindanao del Norte Representative Bai Dimple Mastura kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, kasama ng kongresista si Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar-Mastura, Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura, mula sa lalawigan. Naroon din sa pulong si Rajah Buayan Mayor Bai Maruja Ampatuan Mastura at Datu Saudi Amptuan Mayor Datu Bassir Dimaukom Utto ng Maguindanao del Sur.


Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang suporta ng DBM para sa mga programang nakalaan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur tulad ng maayos na serbisyong pang-edukasyon, mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan, matatag na imprastruktura, at tuloy-tuloy na suporta sa kabuhayan at disaster preparedness.


Sa pulong, muling tiniyak ni Secretary Pangandaman ang buong suporta ng DBM sa mga inisyatibang isinusulong ng mambabatas at ng mga Local Government Unit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page