Congresswoman Bai Dimple Mastura, nakiisa sa ika-23 Meguyaya Festival sa Upi, Maguindanao del Norte, kung saan ipinagdiriwang ang kultura at kontribusyon ng mga Katutubo, Muslim, at Kristiyano.
- Dec 23, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Nakikiisa si Congresswoman Bai Dimple Mastura sa pagdiriwang ng ika-23 Meguyaya Festival sa bayan ng Upi, Maguindanao del Norte, isang selebrasyon na nagpapakita ng mayamang kultura at pagkakaisa ng mga residente sa bayan.
Kilala ang bayan bilang “Haven of Empowered Tri-People,” isang komunidad na namumuhay nang may pagkakaisa, respeto, at kapayapaan.
Ayon sa LGU, ang Meguyaya Festival ay higit pa sa pagdiriwang ng ani. Ito rin anila ay isang pagtitipon na nagtatampok ng pagkakaiba-iba at lakas ng pagkakaisa ng tatlong pangunahing komunidad, na nagbibigay-diin sa halaga ng respeto at malasakit sa isa’t isa.
Pinapaalala ng aktibidad na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, sabay-sabay na naaabot ng komunidad ang tunay na kaunlaran at progreso.



Comments