Construction worker, arestado ng awtoridad sa Cotabato City sa ikinasang buy-bust operation sa Rosary Heights 1
- Teddy Borja
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang construction worker sa drug buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights 1.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Onyok”, residente sa nasabing barangay.
Ikinasa ng awtoridad ang operasyon ala 6:10 ng gabi, araw ng Martes, September 9 na pinangunahan ng mga elemento ng Police Station 1.
Hawak na ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.



Comments