top of page

Construction worker, arestado sa anti-illegal drug operation; Hinihinalang shabu, nakumpiska

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang isang construction worker sa ikinasang anti-illegal drug operation ng pulisya matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa lungsod.


Naaresto ang suspek sa intelligence-driven buy-bust operation dakong alas-10:20 ng umaga, araw ng Miyerkules, January 7.


Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Rudy”, residente ng Kalanganan II, Cotabato City.


Matagumpay na nabilhan ng police poseur buyer ang suspek ng tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu sa tulong ng confidential agent,

May bigat ito na humigit-kumulang 0.4 gramo at nagkakahalaga ng ₱500.


Nasamsam din mula sa suspek ang isang ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money.


Isinagawa sa mismong lugar ng operasyon ang wastong marking, inventory, at pagkuha ng larawan ng mga ebidensya, sa harap ng mga kinatawan mula sa barangay, media, at National Prosecution Service.


Sasailalim ang suspek sa medical at drug examination habang pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya.


Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay ipapadala sa PNP Crime Laboratory para sa qualitative at quantitative examination.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page