Construction Worker, Arestado sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang construction worker matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Baks”, 40-anyos, hiwalay, at residente ng Purok Balabaran, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.
Sa operasyon, matagumpay na nakabili ang police poseur-buyer ng dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.2 gramo at nagkakahalaga ng ₱500.00.
Narekober din mula sa suspek ang isang limang daang pisong buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ang operasyon na ikinasa alas-10:45 ng umaga, araw ng Martes, February 24, ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3, Cotabato City Police Office, sa koordinasyon ng CPDEU CCPO, Public Safety Office, Police Station 2 at PDEA-BARMM.
Ang suspek ay sasailalim sa medical examination at drug test habang nakadetine sa himpilan ng pulisya.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek.



Comments