Construction worker, arestado sa buy-bust operation; Suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Rosary Heights 7.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jowel”, 24-anyos, construction worker at residente ng Kabuntalan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Itinuturing street-level individual sa ilegal na droga.
Naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.09 gramo, na nagkakahalaga ng Php 612.00
Nakumpiska rin mula sa suspek ang buy-bust money at dalawang genuine Php 100.
Ang suspek ay dinala sa Police Station 1 para sa wastong imbestigasyon at dokumentasyon at isasailalim sa drug test at medical examination.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 laban sa suspek na ihahain sa City Prosecutor’s Office.



Comments