CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cotabato City
- Apr 16
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City pa rin—
Arestado ang isang construction worker na high-value individual matapos maaktuhan sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dondon”, 33 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang City Police Drug Enforcement Unit, katuwang ang Police Station 1, CMFC at CIU, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Nabili ng poseur buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.1 gramo at may standard drug price na ₱680.
Sa isinagawang search, narekober mula sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500 at isang improvised glass tube o tooter na ginagamit sa droga.
Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at kasalukuyang sumasailalim sa booking, medical at drug testing. Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.
Samantala, dinala na sa forensic unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa masusing pagsusuri.



Comments