CONSTRUCTION WORKER, ARESTADOSa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa ilegal na droga
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Bacolod, Lanao del Norte —
Arestado ng pulisya ang isang construction worker na wanted individual sa isinagawang law enforcement operation kaugnay ng paglabag sa ilegal na droga. Ang suspek ay isang 35-anyos na lalaki, at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay may kinakaharap na warrant of arrest para sa paglabag sa Section 12, Article II ng Republic Act 9165, na may kaukulang criminal case numbers 916-2022 at 917-2022, na inilabas noong March 14, 2025 ng Regional Trial Court Branch 88 sa Cavite City.
Sa ulat, dakong 3:30 ng hapon, araw ng Biyernes, March 20, nang nagsagawa ng operasyon ang Tracker Team ng Bacolod Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Lanao del Norte Police Provincial Office.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Bacolod MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at pagpapatuloy ng legal na proseso.



Comments