top of page

CONSTRUCTION WORKER, ARESTADOSa buy-bust operation ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa bentahan ng hinihinalang shabu

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang suspek na si alyas “Waway”, residente ng Purok Silangan, MB Tamontaka, Cotabato City.


Isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3 sa koordinasyon ng Cotabato Police Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency–BARMM.


Nakabili ang poseur buyer ng dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.1 gram at nagkakahalaga ng 680 pesos.


Narekober din mula sa suspek ang isang limang daang pisong buy-bust money.


Dinala ang suspek sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page