Construction worker na nahaharap sa kasong murder, arestado sa Barangay Patag, Inagongan, Tagoloan, Lanao del Norte
- Teddy Borja
- May 30
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naaresto na si alyas “Julier,” residente sa nabanggit na lugar.
Ang akusado ay hinuli matapos isilbi ang Warrant of Arrest sa kasong Murder.
Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 06, Iligan City, noong May 24, 2025.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagoloan MPS para sa dokumentasyon at karagdagang legal na paglilitis.
Comentarios