top of page

CONSULTATION Isinagawa ng BARMM Government sa pangunguna ng MOLE upang makakalap ng impormasyon na layong mapagaan ang epekto sa ekonomiya ng nangyayaring oil crisis.

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Upang makalikom ng mga datos o impormasyon sa pangunahing isyu sa mga manggagawa, nagsagawa ang Bangsamoro government ng konsultasyon sa pamamagitan ng MOLE.


Ayon kay MOLE Special Concerns Consultant Carlito Coloso, kailangan umano pagtuunan ng pansin ang mga manggagawa Lalo na ang mga apektado ng economic shocks.


Binigyang diin din ni Coloso ang agarang paggawa ng isang koordinado, at evidence-based approach sa pagdesenyo ng isang needs-based labor market na mga polisiya at programa.


Ipinakita naman ng mga kumpanyang lumahok sa konsultasyon ang mga kasalukuyang hamon sa kanilang operasyon, mga hakbang sa pag-aangkop, at best practices na ipinapatutupad na nila upang suportahan ang kani-kanilang mga empleyado.


Samantala, itinatag naman ng Bangsamoro Business COuncil ang Bangsamoro Oil Crisis Impact Task Force o BOCITF na magsisilbing central coordinating, policy recommendation, at operational oversight body na tutugon sa impact ng pagtaas ng presyo ng langis sa mercado sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page