Contract ng Zamboanga Port Passenger Terminal sa isang kontraktor, kinansela ng PPA dahil sa matinding delay at hindi pagtugma sa disenyo sa kasalukuyan umano na pangangailangan
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Kinansela ng Philippine Ports Authority ang kontrata ng contractor ng Zamboanga Port Passenger Terminal dahil umano sa matinding delay at hindi pagtugma sa disenyo sa kasalukuyan umano na pangangailangan.
Kinansela ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kontrata ng contractor para sa Zamboanga Port Passenger Terminal Building dahil sa matinding delay at hindi pagtugma ng disenyo sa kasalukuyang pangangailangan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Ayon kay PPA Assistant General Manager for Engineering James Gantalao, hindi na angkop ang disenyo ng proyekto na sinimulan pa noong 2021, lalo’t isa ang Zamboanga sa pinakaabalang daungan sa Mindanao.
Dagdag pa sa report, naapektuhan din ng pandemya at mataas na presyo ng materyales ang pagpapatupad ng proyekto.
Sa kabila ng 56% na pisikal na progreso, tanging 18% pa lang umano ng kabuuang halaga ang nababayaran sa contractor—patunay, ani Gantalao, na ligtas ang pondo at maaari pa ring ipagpatuloy ang proyekto sa ilalim ng bagong plano.
Ang naturang pasilidad ay inaasahang makatatanggap ng hanggang 3,500 pasahero at magsisilbing modernong terminal para sa mga biyahero at kargamento sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at karatig na ASEAN countries.



Comments