iMINDSPH
Pormal nang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy si Cotabato City Incumbent Vice Mayor Johari “Butch” Abu sa posisyon na mayor ng lungsod. Naghain na rin ng COC si incumbent Kalanganan Mother Chair Bimbo Ayunan sa posisyon na bise alkalde ng syudad.
Kasabay ng mga ito sa paghahain ng COC ang kanilang buong slate sa posisyong konsehal sa ilalim ng partidong LAKAS-CMD, BARMM Grant Coalition at SIAP.
Nagtipon muna sa Cotabato City plaza ang team LAKAS-CMD, Grand Coalition at SIAP bago tumuloy sa tanggapan ng COMELEC Cotabato City.
Dumagsa rin ang libu-libong supporters ng mga ito
Pagpasok sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex kung saan pansamantalang nag oopisina ang COMELEC Cotabato City para sa paghahain ng COC-
Isa-isang nagfile ng Certificate of Candidacy ang mga ito.
Si incumbent Cotabato City Vice Mayor Butch Abu ang kakandidatong alkalde at si Kalanganan Mother Barangay Captain Bimbo Ayunan naman ang bise alkalde nito.
Sa hanay ng kanilang mga konsehal, bukod sa mga incumbent councilor na sina Hyunin Abu, Gabby Usman, Henjie Ali, Kus Taha at Marouf Pasawiran kasama rin ng grupo sina former councilor Sukarno Sema, Duds Sinarimbo, Baby Ayunan, Freddie Ridao at Atty. Abubakar Katambak.
Comments