Cotabato City, isa nang First Class City simula Enero 2025 base aa BLGF Memorandum Circular No. 020-2024
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Epektibo sa unang araw ng Enero ngayong taon, first class city na ang lungsod ng Cotabato base sa Bureau of Local Government Finance o BLGF Memorandum Circular No. 020-2024.
Base sa Memorandum Circular No. 020-2024 ng Bureau of Local Government Finance o BLGF, isa nang first class city ang Cotabato epektibo January 1, 2025.
Ang pagiging First Class City ay nangangahulugan ayon sa LGU ng mas mataas na kita ng lungsod, mas maraming negosyo at lumalaking populasyon kung saan patunay ito ng patuloy na pag-unlad ng Cotabato City.
Ayon kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, ang bagong katayuang ito ay hindi magiging posible kung wala aniya ang tiwala at suporta ng bawat Cotabatenio sa kasalukuyang administrasyon.
Ang pagkilalang ito umano ay tagumpay ng lahat.
Dagdag pa ng alkalde na ang bawat sentimong kinikita ng LGU ay makikita at mararamdaman ng bawat mamamayan ng lungsod.



Comments