Cotabato City, opisyal nang kinilala bilang Independent Compoent City
- Diane Hora
- Sep 2
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal nang kinilala na bilang Independent Component City ang Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua. Ito ang masayang inanunsyo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.
Ayon as alkalde, isang makasaysayang sandali aniya ito para sa Lungsod.
Sinabi ni Mayor Matabalao, na pinagtitibay ang pagkakakilanlan ng lungsod at nagbubukas ng mas malinaw na ugnayan sa Bangsamoro Government para sa mas maayos na serbisyo sa bawat Cotabateño.
Dagdag ng opisyal na matagal nang hinihintay ng Cotabato City ang pormal na pagkilala sa independent status ng syudad.



Comments