CPDC, inilatag ang magiging takbo ng Cotabato City Integrated Public Transport Terminal sakaling ipapa-operate ito sa pribadong sektor
- Diane Hora
- Aug 5
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinakita ng Cotabato City Planning and Development Coordinator (CPDC) ang magiging takbo ng Cotabato City Integrated Public Transport Terminal (CCIPTT) sakaling ipapa-operate ito sa pribadong sektor.
Nilinaw ng CPDC na magiging Public-Private Partnership (PPP) ang naturang terminal. Pagmamay-ari pa rin ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cotabato ang terminal at ang pribadong sektor lamang ang maaatasang magpapatakbo nito.
Sa mga stalls o mga negosyong papasok dito, ayon sa CPDC, dadaan pa ang mga ito sa lokal na pamahalaan para sa pagpaparehistro.
Sinabi ni Cotabato City Councilor Atty. Anwar Malang, dapat maisayos at maiplantsa muna ang lahat bago buksan ang naturang terminal.
Magkakaroon naman ng susunod pa na pagpupulong kung saan, pag-uusapan naman ang magiging tahak ng terminal, sakaling ang Lokal na Pamahalaan na ng lungsod ang magpapatakbo nito.



Comments