iMINDSPH
Patuloy na isusulong ng Cotabato Regional and Medical Center ang kalidad ng healthcare services habang tinatahak din ang daan sa iba’t ibang innovation. Ito ang sinabi ni CRMC Chief Dr. Ishamel Dimaren.
Tinanggap kamakailan ng Cotabato Regional and Medical Center ang Silver Trailblazer Award sa ginanap na public revalida ng Institute for Solidarity in Asia o ISA matapos makamit ang compliant status sa Performance Governance System sa ilalim ng ISA.
Sa kabila ng kinakaharap na hamon sa political divisions, natural disasters, at armed conflicts, tuloy sa pag unlad ang Cotabato Regional and Medical Center sa governance journey nito sa pagsusumikap na ma-transform ang healthcare sa Central Mindanao at sa Bangsamoro Autonomous Region.
Tinanggap ng CRMC ang Silver Trailblazer Award sa ginanap na public revalida ng Institute for Solidarity in Asia o ISA matapos nitong makamit ang compliant status sa Performance Governance System o PGS, a-4 ng Setyembre.
Ang Public Revalida ay isang democratic exercise kung saan bina-validate ang isang public institution sa completion nito sa apat na bahagi ng PGS.
Kabilang sa mga enrolled institutions ang Armed Forces of the Philippines at ang Department of Health (DOH).
Binigyang diin ni CRMC Chief Dr. Ishmael Dimaren ang pag-unlad ng ospital sa second stage ng governance pathway at inilatag ang strategic position ng pagiging isang “ Multi-specialty Center in Region XII and BARMM by 2028” ang pagamutan.
Ilan sa mga ipinatupad na key innovations ng CRMC nang sinimulan ng medical center ang transformation journey nito sa pamamagitain ng PGS framework taong 2019 ay ang system harmonization para mapahusay ang operations at manpower, motivational initiatives tulad ng PRAISE committee, at ang Ibadah-Friendly Hospital program, na tumanggap ng international recognition sa International Hospital Federation – World Hospital Congress sa Brazil noong September 12.
Apat sa 17 approved multi-specialty centers ng CRMC ay fully operational na ngayon.
Ito ay ang Cancer Institute, Heart Center, Mental Health Unit, at Trauma Care.
Sa advanced facilities at streamlined processes nito, ang mga nabanggit na centers ay nagbibigay ng provide cutting-edge treatment sa institution, pinababa ang pangangailangan para sa external referrals at pinalalakas ang inbound referrals mula sa ibang institutions.
Bilang paghahanda sa nalalapit na 13 multi-specialty centers, mayroon na ngayong 88 specialized doctors ang CRMC ayon kay Dimaren.
Ang panel ay pinamumunuan ni former DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial.
Comments