CTG member sa CARAGA na suspek sa pagpaslang sa isang miyembro ng CAFGU, arestado!
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado na ng Philippine National Police ang isang high-ranking Communist Terrorist Group na sangkot sa pagpatay sa isang miyembro ng CAFGU.
Ikinasa ang operasyon, a-8 ng Enero 2026, sa Barangay Anticala, Butuan City na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 49-anyos na lalaki na kilala sa alyas na “Pedro”.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu ng korte noong December 2021, na walang inirekomendang piyansa.
Ang suspek ay dating miyembro ng Communist Terrorist Group, kabilang sa Squad 1, Platoon 1 ng Sub-Regional Sentro de Gravidad Westland ng CPP-NPA, at nasa listahan din sa Periodic Status Report ng Armed Forces of the Philippines bilang Number 2 Regional Most Wanted Person sa CARAGA Region.
Base sa imbestigasyon, nag-ugat ang kaso sa isang insidente noong June 2021 sa Agusan del Norte, kung saan umano’y pinagbabaril ng suspek at ng kanyang mga kasamahan ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU, na ikinasawi ng biktima.



Comments