Daan-daang indibidwal, nag-alay ng dugo sa isinagawang Blood Donation Drive sa Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

All-out support si Maguindanao del Norte and Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura sa Blood Donation Drive sa Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Daan-daang indibidwal ang nag-alay ng dugo na ayon sa tanggapan ng mambabatas ay patunay ng bayanihan at malasakit.
Isang simpleng hakbang anila na may napakalaking ambag sa pagliligtas ng buhay.
Sa pakikipagtulungan ng opisina ni Atty. Suharto Ambolodto, Parliament Member ng BARMM, at Cotabato Sanitarium and General Hospital, naging posible ang proyektong ito na sinuportahan ng kongresista.



Comments