top of page

Daan-daang residente ng Bungabong, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, benepisyaryo sa iba't ibang serbisyong hatid ng LGU sa ilalim ng Expanded B.I.S.I.T.A sa baranggay

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 2 min read

iMINDSPH



Libreng medical, dental, eye checkup, pamamahagi ng mga gamot, hair cut,libreng tuli at iba pang mga serbisyo na derektang napakikinabangan ng mga mamamayan .


Ito ay patuloy na hatid ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura sa ibat ibang baranggay sa ilalim ng programang expanded B.I.S.I.T.A sa baranggay.


Sa ilalim ng programa, tinungo ngayong araw ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Datu Armando ang mga barangay ng Bugabong, hatid ang iba’t ibang nabanggit na serbisyo.


Katuwang ng LGU ang tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura, Provincial Government ng Maguindanao del Norte, Governor Datu Tucao Mastura at TINGOG Partylist.


Mas pinalawak pa ang programa sa tulong ng iba’t ibang ahensiya, kabilang ang Burea of Fire Protection, Ministry of Social Services and Develpment, Integrated Provincial Health Office (IPHO) Maguindanao,Rural Health Unit (RHU)Ministry of Agreeculture,Fisheries and Agarian (MAFAR), Sultan Mastura Municipal Police Station (MPS) ng PRO BAR at iba pang partner ageniccies.


lubos na nag pasalamat ang mga benepisyaryo sa serbiyong natanggap, ayon kay Alan ay malaking tulong ito lalo na sa pagtatanim.


Nagpasalamat si Mayor Mastura sa lahat ng ahensyang sumusuporta sa programa. Ayon sa alkalde, nagsimula lamang ito bilang isang simpleng inisyatiba ngunit patuloy na lumawak dahil sa sama-samang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga partner agencies.


MAYOR ARMANDO MASTURA SR.

Sultan Mastura, Maguindanao del Norte


Sa muling pagpapatupad ng programa, anim na barangay na ang natapos ng LGU sa loob ng pitong buwan . Tiniyak ng alkalde an mas palalawakin at pagbubutihin pa ang B.I.S.I.T.A sa barangay sa mga susunod pang pagbisita at pag pagdadagdag ng sebisyong pang buntis tulad ng pag tuon sa nutrition ng bata sa loob ng unang 1000 days at ultrasound upang mas marami pang mga mamayan ang makikinabang.


Dagdag pa ni Mayor Armando Mastura Sr, ang programa naito ay mtagal nang bahagi ng kanyang pamamahala at patuloy na itong isinasagawa mula noong una siyang mamahala hanggang sa kasalukyan , bukas umano ang programa para sa lahat lalo na sa higit na nangangailangan

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page