Daan-daang residente ng Datu Hoffer, Maguindanao del Sur ang benepisyaryo sa patuloy na Medical, Dental at Outreach Program ng pamahalaang panalalawigan
- Diane Hora
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH

Mapagmalasakit—ito ang paglalarawan ng pamahalaang panlalawigan kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na patuloy anila na naglilingkod at nagbibigay ng pag-asa sa bawat isa.

Sa patuloy na pag arangkada ng medical team ng probinsya, handog ang-

Libreng medikal na konsultasyon
Libreng dental check-up at bunot ng ngipin
Libreng tuli
Libreng tsinelas
Libreng salamin sa mata
At Feeding program

Sa daan-daang residente ng Datu Hoffer, Maguindanao del Sur. Isinagawa ang Medical, Dental at Outreach Program sa barangay ng Tuayan katuwang ng gobernador ang Mayoral candidate ng Datu Hoffer na si Datu Ollah Ampatuan Omar na namahagi rin ng bigas at iba pang tulong sa mga residente.

Paghimok ng provincial government na sama-sama itinaguyod ang diwa ng pagtulong at pagbibigay.




Comments