Daan-daang residente ng General Salipada K. Pendatun, benepisyaryo sa isinagawang medical mission ng provincial government ng Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nitong a dise otso ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang Medical Mission sa bayan ng General Salipada K. Pendatun.
Ito ay bahagi ng Midtimbang Cares: Alagang Tapat, Serbisyong May Puso, Tuloy ang Pagbabago!
Layunin ng aktibidad na maihatid ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga vulnerable at malalayong lugar.
Ibinahagi sa mga residente ang 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗰𝗮𝗿𝗲, 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗶𝗻𝗰𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗼𝘁.
𝗠𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀, 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗵𝗮𝗶𝗿𝗰𝘂𝘁 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗺𝗰𝗵𝗮𝗶𝗿𝘀, 𝗰𝗮𝗻𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝘀𝘂𝗽𝗽𝗹𝗶𝗲𝘀 para sa mga nangangailangan.
Dagdag pa rito ang 𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 para sa mga kabataan at 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀 bilang dagdag tulong sa ating mga kababayang apektado ng pagbaha.
Ang nasabing programa ay isa lamang sa patuloy na hakbang ng Provincial Government upang matiyak na ang bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur ay may akses sa de-kalidad na serbisyo, malasakit at pag-asenso.
Sa pamumuno ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗔𝗹𝗶 𝗠𝗶𝗱𝘁𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴, patuloy na isinusulong ang mga programang tunay na may puso para sa mas maunlad, mas malusog at mas mapagmalasakit na Maguindanao del Sur.



Comments