Daan-daang residente ng Pagalungan, Maguindanao del Sur, benepisyaryo sa ikinasang medical, dental at outreach program ng pamahalaang panlalawigan
- Diane Hora
- Jan 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa bagong taon, pinalalakas pa ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang iba’t ibang programa para sa mga mamamayan ng probinsya.

Tuloy sa pag-iikot ang medical team ng pamahalaang panlalawigan. Araw ng Huwebes nang isagawa ng provincial government ang medical, dental at outreach program sa bayan ng Pagalungan kung saan daan-daang residente ang benepisyaryo.

Dalawang daan at apatnapu’t tatlong residenteng matatanda ang nakapagpakonsulta, isang daan at tatlumpo’t anim naman ang mga bata.

Tatlumpo ang nakapagbunot ng ngipin. Tatlumpo’t lima ang nakapagpatuli. Isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng libreng salamin pambasa, dalawang daan ang may bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo sa feeding program.

Ito ang mga programa ng provincial government sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na patuloy na itinataguyod sa buong lalawigan.






Comentarios