Dagdag na garden tools at vegetable seeds, ipinamahagi ng MAFAR sa mga magsasaka sa Mamasapano, Maguindanao del Sur; monitoring sa mga gulayan, ikinasa rin ng ministry sa mga benepisyaryo
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng SECURE Program, nagsagawa ang MAFAR ng monitoring sa mga gulayan at namahagi ng karagdagang garden tools at vegetable seeds sa mga benepisyaryo sa Barangay Bagumbong. Pinalawig din ang pamamahagi ng binhi sa mga vegetable farmers ng Barangay Libutan upang higit na mapatatag at mapanatili ang produksyon ng gulay bilang pinagkukunan ng pang-araw-araw na kita ng kanilang mga pamilya.
Sa aktibidad, nagbigay si MMO Modrika Masukat ng teknikal na tulong at aktuwal na pagsasanay sa wastong pamamaraan ng pagtatanim—mula sa tamang aplikasyon ng pataba hanggang sa epektibong crop management—na layong pataasin ang ani at produktibidad.
Kasabay nito, sinuri rin ang produksyon ng isda ng mga lokal na mangingisda, partikular ang bidsuk (swamp eel). Isinagawa ang fish sampling upang masuri ang paglaki at kabuuang kalagayan ng produksyon, bilang batayan sa pagpapahusay ng mga susunod na interbensyon.
Nagpasalamat ang MAFAR sa Punong Barangay ng Bagumbong, gayundin sa lahat ng magsasaka at mangingisdang aktibong nakilahok, sa kanilang kooperasyon at patuloy na suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang seguridad sa pagkain at pangmatagalang kabuhayan sa komunidad.



Comments