top of page

Dagdag pwersa mula sa Regional Mobile Force Battalion 14A, dumating na sa Cotabato City para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad lalo na sa nalalapit na halalan

iMINDSPH


Idineploy na sa lungsod ng Cotabato ang dagdag pwersa mula sa Regional Mobile Force Battalion 14A na binubuo ng tatlumpo’t apat na personnel.



Tutulong ang karagdagang personnel sa CCPO sa pagpapatupad ng seguridad sa syudad lalo na sa nalalapit na halalan.



Layunin din ng pagpapadala ng pwersa mula sa RMFB 14 na mapigilan ang anumang criminal activity, maiwasan ang anumang karahasang may kaugnayan sa eleksyon, at magbigay ng mas mataas na antas ng seguridad para sa mga residente ng Cotabato City.



Ayon sa CCPO, ang kanilang pangunahing tungkulin ay suportahan ang lokal na pulisya sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pampublikong seguridad at tiyakin na ang halalan ay magiging mapayapa at maayos.


Mahalaga ang hakbang na ito ayon sa CCPO upang maprotektahan ang integridad ng nalalapit na halalan.


Hinihikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang kilos na maaaring magdulot ng gulo o panganib.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page