Dalawang drug suspects, huli sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang nasakote ng pulisya sa isang buy-bust operation.
Bandang alas-10:51 ng gabi, January 13, 2026, isinagawa ang buy-bust operation.
Naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina alias “Jazz”, 22 taong gulang, at alias “Kratos”, 31 taong gulang, kapwa residente ng nasabing barangay.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong (3) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 10.1 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱102,680.00, kasama ang one thousand peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Agad na dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Polomolok Municipal Police Station para sa dokumentasyon, masusing imbestigasyon, at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments