top of page

Dalawang high-profile sexual offenders, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Dalawang Most Wanted Sex Offenders na sangkot sa mabibigat na kaso ng pang-aabuso sa mga menor de edad ang naaresto ng Philippine National Police sa magkahiwalay na operasyon.


Sa bayan ng Bulusan, Sorsogon, inaresto bandang 12:30 ng tanghali ang isang 18-anyos na lalaki, estudyante at No. 3 Most Wanted Person ng Bulusan Municipal Police Station. Isinagawa ang pag-aresto sa Barangay Sabang Poblacion sa bisa ng mga warrant of arrest kaugnay ng dalawang (2) bilang ng Acts of Lasciviousness, labintatlong (13) bilang ng Sexual Assault, at tatlong (3) bilang ng Rape. Ilan sa mga kasong ito ay may piyansa habang ang iba ay walang inirekomendang piyansa dahil sa bigat ng krimen.


Dinala na ang suspek sa CIDG Sorsogon PFU para sa dokumentasyon at wastong disposisyon ng korte.


Samantala, sa Aurora, Isabela, nadakip din ang No. 1 Most Wanted Person ng rehiyon, isang 26-anyos na lalaki at residente ng Barangay Kalabaza, na nahaharap sa labinlimang (15) bilang ng Statutory Rape. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 29 sa Bayombong, Nueva Vizcaya, na may walang piyansang inirekomenda.


Pansamantalang inaresto at ipinoseso ang suspek sa Villaverde Municipal Police Station bago itinurn-over sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page