top of page

Dalawang suspek, arestado sa buy-bust operation ng pulisya; Hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ang isang estudyante kabilang na ang isang driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Richard”, 22 taong gulang, binata, driver at residente ng Rosary Heights 3, Cotabato City, at alyas “Mac”, 22 taong gulang, binata, estudyante at residente rin ng parehong lugar.


Matagumpay umanong nakabili ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek sa halagang ₱700.00. Ang nasabing ilegal na droga ay may tinatayang timbang na 0.09 gramo at may standard drug price na ₱612.00, na naging dahilan ng agarang pag-aresto sa dalawang suspek.


Dinala ang mga suspek sa Police Station 1 para sa booking, medical at drug testing, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim na sa laboratory examination.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page