top of page

Daloy ng trapiko sa lungsod, banayad dahil sa maayos na pagpaplano ayon sa TMU; pagbaba at pagsakay ng mga pasahero, nananatiling abala sa daan, gayundin ang pagparada sa hindi wastong lugar

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Ngayong unang linggo ng taon, balik-eskwela na ang mga mag-aaral at balik-trabaho na rin ang mga empleyado sa pampublikong tanggapan sa buong bansa.


Sa Cotabato City, naging banayad sa pangkalahatan ang daloy ng trapiko.


Sinabi ni Traffic Management Unit Chief PLtCol. Rowell Zafra na naging maayos ang daloy ng trapiko sa kabila ng pagdami ng mga sasakyan, at ito ay bunga, aniya, ng maayos na koordinasyon at pagpaplano ng Traffic Management Unit.


Patungkol sa mga insidente ngayong pangalawang araw matapos ang holiday season, isa lamang ang naitala at ito ay hindi nagdulot ng malubhang problema sa daloy ng trapiko.


Isa rin sa binigyang-diin ni Zafra ang mga problemang dulot ng ilang motorista na nagdudulot ng dagdag na abala, tulad ng pagpaparada at pagbaba o pagsakay ng mga pasahero sa hindi tamang lugar, lalo na sa Sinsuat Avenue at National Highway.


Ibinahagi rin ni Zafra ang mga oras kung kailan bahagyang nakararanas ng trapiko, tulad ng oras ng pag-uwi sa bahay, pagkain sa labas, at uwian ng mga estudyante. Nilinaw niyang ang mga ito ay normal na bahagi ng paggalaw ng mga tao sa lungsod.


Patuloy ang pagbabantay ng Traffic Management Unit upang masiguro ang maayos at organisadong paggalaw ng mga motorista at mamamayan, lalo na sa mga pangunahing kalsada at sa oras ng matinding trapiko.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page