Dating barangay kagawad na murder suspect, arestado sa operasyon ng awtoridad sa Lambayong, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Oct 28
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang dating barangay kagawad ng Sultan sa Barongis na murder suspect sa ikinasang operasyon ng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Biboy”, 55-years old, dating barangay kagawad ng Angkayamat, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.
Kabilang din ang suspek sa Top 10 Regional Level Most Wanted.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest. Nakuha din sa posesyon nito ang caliber .45 pistol na may steel magazine na may laman na pitong live ammunitions.
Dinala na sa Lambayong MPS ang naarestong indibidwal at nakumpiskang baril para sa documentation at proper disposition.



Comments