top of page

Dating DA Secretary at former Cotabato Province Governor Manny Piñol, tutulong sa pagbalangkas ng Agricultural Development Blueprint para sa Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bumisita si Datu Anggal Mayor Nathaniel Midtimbang kay dating Agriculture Secretary at former Cotabato Governor Manny Piñol.


Sa isang post ni Piñol, sinabi nito na nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ni Mayor Midtimbang kaugnay sa mga paraan upang palakasin pa ang agricultural production ng Maguindanao del Sur.


Ayon kay Piñol, matagal na rin umano niyang pangarap na makitang umunlad ang kanilang karatig-lalawigan sa pamamagitan ng agrikultura.


Hindi rin umano maikakaila na may mga hamon sa harap ng adhikaing ito—partikular na ang imahe ng lalawigan bilang isang mapanganib na lugar.


Ngunit sa kabila ng nakaraan ng probinsya, ay ang mga potensyal ng Maguindanao del Sur.


Sa lawak nitong higit 547,000 ektarya, kabilang na ang bahagi ng Liguasan Marsh, napakayaman ng lupa sa lugar para sa pagtatanim ng mais, sorghum at soybeans.

Ang mga pananim na ito ay maaaring magsilbing pundasyon aniya sa pagpapaunlad ng industriya ng baka at kambing, pati na rin ng aquaculture sa mga bahagi ng marsh.


Nangako rin si Piñol na tutulong siya sa pagbabalangkas ng isang Agricultural Development Blueprint para sa Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page