top of page

Dating Pulis, timbog sa buy-bust operation sa Babatngon, Leyte kung saan arestado rin ang kasama nitong babae; ilegal na droga, baril at granada nakumpiska

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang dismissed police officer na itinuturing na Rank 1 Regional Priority Target at ang babaeng kasama nito sa isinagawang buy-bust operation kung saan nakumpiska ang ilegal na droga, baril, at granada.


Ang naarestong dating pulis ay 55-anyos habang 21-anyos naman ang babaeng kasamahan nito na tinuturing din na High-Value Individual.


Isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 8 ang buy-bust operation kung saan matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu. Matapos ang pre-arranged signal, agad na inaresto ang mga suspek at isinagawa ang marking at inventory ng ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang saksi kabilang ang media at barangay official.


Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 39 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drug Board value na ₱265,200. Narekober din ang isang pump-action rifle na kalibre .22, isang magazine ng kalibre .45, sampung bala ng kaliber .45, at isang hand grenade.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa dokumentasyon at inquest proceedings.


Inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165, gayundin sa Republic Act No. 10591 at Republic Act No. 9516 laban sa mga naaresto.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page