top of page

Datu Salibo Mayor Khominie Bacol Sandigan na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder, sumuko sa Talayan Municipal Police Station

  • Teddy Borja
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumuko sa Talayan Municipal Police Station si Datu Salibo, Maguindanao del Sur Mayor Khominie Bacol Sandigan na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.


Sa report na ipinadala ng PNP PRO BAR, ala 5:30 ng hapon, Martes, September 9 nang sumuko ang alkalde sa Talayan Municipal Police Station.


Kasama ng alkalde ang abugado nito na si Atty. Cesar John Dela Serna.


May warrant of arrest ang alkalde sa dalawang kaso na kihakaharap nito alinsunod sa criminal case no. 2024-15709 at 2024-15710 para sa kasong murder. Habang Criminal Case number 2024-15711 at 2024-15712 naman para sa kasong frustrated murder na inisyu ng Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 14 Cotabato City.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong murder habang 200,000 pesos naman ang inirekomendang piyansa ng korte sa kasong frustrated murder.


Nasa kustodiya na ng Talayan PNP ang alkalde para sa proper disposition at documentation.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page