DAYALOGO HINGGIL SA ESTADO NG EDUKASYON SA BASILAN isinagawa ng MBHTE sa pangunguna ni Minister Mohagher Iqbal
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Ginanap ang dayalogo, Abril 4, 2026 sa sa Raayat Hall ng Provincial Capitol sa Lamitan City bilang tugon sa ulat ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II, hinggil sa hamon sa literacy sa Basilan at sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa pulong, ibinahagi ng mga stakeholder at lokal na pamahalaan ang kanilang karanasan, mga suliranin, at rekomendasyon, na nagsilbing mahalagang batayan upang mas maunawaan ang sitwasyon sa komunidad.
Binigyang-diin ni Iqbal ang kahalagahan ng agarang at inklusibong aksyon, at sinabing mahalaga ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang makabuo ng epektibo at pangmatagalang solusyon sa mga kakulangan sa edukasyon.
Muling pinagtibay ng MBHTE ang kanilang pangako na palakasin ang mga programa sa literacy, pagbutihin ang foundational learning, at isulong ang dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.



Comments