top of page

DELEGADO MULA TURKIYE, NAGHAYAG NG INTERES NA TUMULONG SA PAGSAGAWA NG TRAINING SA MGA GURO NG BARMM

iMINDSPH



Naghayag ng interes na magsagawa ng pagsasanay sa mga guro ng BARMM ang iba’t ibang organisasyon at government institutions na kabilang sa delegado ng Turkiye na bumisita at nakipagpulong kay Education Minister Mohagher Iqbal.


Bumisita at nakipagpulong kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang delegado mula Turkiye na mula sa iba’t ibang organisasyon at government institutions ng nasabing bansa, a-26 ng Setyembre.



Sentro ng pulong ang pangakong suporta sa educational initiatives sa rehiyon. Tinalakay din sa pulong ang mga hamon na kinakaharap ng education sector ng BARMM lalo na sa usapin ng pagsasanay ng mga guro at resource development.



Sinabi ni Minister Iqbal na nangangailan ang rehiyon ng qualified educators at comprehensive training program upang maiangat ang educational standards ng Bangsamoro region.



Naghayag din ang turkish delegates ng kanilang interes na tumulong sa pagsasanay ng mga guro sa pamamagitan ng collaborative programs sa pagitan ng Bangsamoro Education sector.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page