DepEd Secretary Sonny Angara, at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. nanguna sa Kick-Off celebration ng National Teachers’ Month
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsama-sama ang mga guro mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao at DepEd Officials sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara sa ginanap na Kick-off Program ng National Teachers’ Month sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.
Mainit na tinanggap ng provincial government sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang pagdating ng mga opisyal ng kagawaran sa lalawigan.
Nagpapasalamat si Governor Tamayo sa lahat ng guro na aniya ay tunay na mga bagong bayani ng ating bayan.
Ayon sa gobernador, sa kanilang sakripisyo, dedikasyon, at pagmamahal sa pagtuturo, patuloy umanong hinuhubog ng mga ito ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan at para sa buong bansa.



Comments