Desisyon ng Ombudsman na alisin ang mga pahirap na requirement para makakuha ng access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyal ng pamahalaan, malugod na tinanggap ni PBBM
- Diane Hora
- Oct 16
- 1 min read
iMINDSPH

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang desisyon ng Office of the Ombudsman na alisin ang mga pahirap na requirement para makakuha ng access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas, nagulat siya nang unang maupo sa puwesto na halos imposible nang makakuha ng kopya ng SALN dahil sa mga patakarang ipinatupad ng nakaraang administrasyon.



Comments