top of page

DILG Secretary Jonvic Remulla, hinimok ang publiko na i-report ang mga “epal” na local leaders na nagpo-post ng kanilang mga pangalan kasama ang mga programang pinondohan ng gobyerno

  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



Hinimok ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na i-report ang mga “Epal” na local leaders na nagpo-post ng kanilang mga pangalan kasama ng mga programang pinopondohan ng gobyerno. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Sinabi ni Remulla na epektibo na ang anti-epal guidelines at dapat itong mahigpit nang sundin, dagdag pa sa report.


Dagdag pa ng Kalihim sa report, na mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pagsugpo sa kulturang pampulitika.


Sa ilalim ng guidelines ng Commission on Audit, lahat umano ng public notices ay dapat naglalaman lamang ng project title, petsa ng pagsisimula, contractor, target completion date, at iba pa.


Binigyang-diin pa ni Remulla na nakasalalay sa pakikilahok ng publiko ang tagumpay ng kampanya laban sa epal.


Sa inilabas na Memorandum Circular 2010-101 ng DILG, ipinagbabawal din ang pagsasama ng mga pangalan, inisyal, imahe, o larawan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga billboard at signage ng mga programa, proyekto, at ari-arian ng gobyerno.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page