top of page

Dinaluhan ng mga kawani ng Project SALAM ang Gender and Development Budget Forum na may temang “Integrating the Bangsamoro RAP-WPS into GAD Planning and Budgeting: Strengthening Institutional Accounta

  • Feb 20
  • 2 min read

iMINDSPH



Kinatawan ng Project SALAM si Harif Badar Paullo Baundi, GAD Focal ng OCM-PSB.


Isinagawa ang forum sa Cotabato City na pinangunahan ng Bangsamoro Women Commission (BWC), katuwang ang UK Government at United Nations Development Programme (UNDP).


Dinaluhan ang aktibidad ng iba’t ibang Ministries, Offices, at Agencies (MOAs) sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bilang bahagi ng pagpapatibay ng gender-responsive governance at mas malinaw na mekanismo ng pananagutan sa paggastos ng pondo para sa GAD.


Tinalakay sa forum ang papel ng MFBM sa pag-eendorso ng Gender and Development Plan and Budget o GPB at ang mga posibleng epekto ng hindi pagsusumite o hindi pag-eendorso nito.


Pinag-usapan din ang papel ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) sa mga Ombudsman guidelines kaugnay ng GAD compliance, gayundin ang COA-BARMM hinggil sa proseso ng pag-audit sa 5% GAD utilization at ang epekto ng Audit Observation Memorandum.


Inilatag din sa forum ang papel ng Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) sa pagsasama ng GAD budgeting sa mga estratehikong prayoridad ng BARMM, maging ang papel ng Bangsamoro Women Commission o BWC sa pagpapakilala sa Gender and Development Evaluation and Monitoring System o GEMS, pati ang timeline sa pagsusumite ng GPB 2027 at 2025 GAD Accomplishment Report para sa review at endorsement at paghahanda para sa pagdiriwang ng Women’s Month.


Sa pamamagitan ng pagdalo sa forum, muling pinagtibay ng Project SALAM Bangsamoro ang kanilang suporta sa pagpapalakas ng gender-responsive planning at budgeting sa rehiyon. Ayon sa mga kalahok, mahalaga ang integrasyon ng Bangsamoro Regional Action Plan on Women, Peace and Security o RAP-WPS sa GAD planning upang masigurong ang mga programa at pondo ng pamahalaan ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng kababaihan at iba pang sektor.


Binigyang-diin ng Project SALAM Bangsamoro na ang gender-responsive governance ay hindi lamang usapin ng pagsunod sa mandato, kundi isang mahalagang haligi ng inklusibong kaunlaran, katarungang panlipunan, at pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page