Direktang dayalogo ng gobernador at mamamayan, patuloy na pinagtitibay ng pamahalaang panlalawigan ng Basilan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Mujiv Hataman
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH |

Muling nakipagdaupang palad ni Government Mujiv Hataman sa mga mamamayan ng Basilan sa patuloy na pinalalakas na “Usap Tayo, Gob!”
Sa pagpapatuloy ng programa, araw ng Martes, January 13, 2026, sa Raayat Hall ng People’s Capitol sa Sta. Clara, Lamitan City, bukas na nakipag dayalogo si Governor Hataman at ng mga lokal na residente ng lalawigan.
Isinagawa ang programa sa dalawang iskedyul upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mamamayan na makilahok—mula alas-8:00 hanggang alas-11:00 ng umaga para sa morning session, at mula alas-1:00 hanggang alas-3:30 ng hapon para naman sa afternoon session.
Dito ay personal na pinakinggan ng gobernador ang mga saloobin, hinaing, at mungkahi ng publiko hinggil sa mga usaping panlalawigan.
Layunin ng “Usap Tayo, Gob!” na palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa pamamahala at tiyaking ang boses ng bawat Basileño ay naririnig, bilang bahagi ng pagsusulong ng tapat, bukas, at makataong pamahalaan sa lalawigan ng Basilan.



Comments