Disaster Preparedness and Mitigation, tinalakay sa partnership meeting na inorganisa ng PDRRMO MagSur
- Diane Hora
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Inilatag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Maguindanao del Sur ang usapin hinggil sa emergency preparedness and mitigation strategies sa pulong nito sa pagitan ng mga potential partners ng pamahalaang panlalawigan.
Kasama rin sa pulong si Provincial Administrator Datu Nur Ali Midtimbang at Provincial Planning and Development Coordinator Nulfarid Ampatuan na binigyang diin ang kritikal na pangangailangan ng collaborative action para protektahan ang komunidad sa buong probinsya.
Layunin ng pulong na palakasin kapasidad ng bawat bayan sa probinsya pagdating sa disaster response, enhance resource coordination, at develop sustainable programs para sa risk reduction.
Pinag-usapan din na dapat fully operational ang early warning system lalo na sa madalas na pag-ulan.
Ipinaabot din ni Provincial Administrator Datu Nur Ali Midtimbang sa PDRRMO ang pagbati matapos makamit ang prestiyosong Gawad KALASAG Award.



Comments