top of page

DISASTER PREPAREDNESS Pinaiigting ng PDDRO Maguindanao del Sur sa tulong ng MOST, OXFAM Pilipinas at Philippine Disaster Resilience Network

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinalakay ng PDRRMO Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Windy Anne Joy Beaty sa pulong sa tanggapan ng Ministry of Science and Technology (MOST)-BARMM ang kasalukuyang inisyatiba sa disaster risk reduction, posibleng technical assistance, at mga konkretong hakbang upang mas mapalakas ang suporta sa mga munisipalidad at komunidad sa lalawigan.


Isinagawa ito, araw ng Martes, Pebrero 25.


Samantala, nitong Pebrero 25, bumisita naman sa PDRRMO ang mga kinatawan ng Oxfam Pilipinas at Philippine Disaster Resilience Network.


Pinag-usapan sa pulong ang mga susunod na kolaborasyon, kabilang ang nalalapit na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Quality Assurance System o QAS Training Workshop.


Nakasentro ang talakayan sa pagpapalalim ng partnership at mga praktikal na hakbang upang higit pang mapahusay ang kahandaan at pagtugon sa sakuna sa buong probinsya.


Ayon sa PDRRMO, ang tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga partner agencies at organisasyon ay mahalaga upang matiyak ang mas sistematiko at epektibong disaster preparedness program para sa mga mamamayan ng Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page