Disaster Risk Reduction and Management Office Ng Maguindanao Del Sur, pinalalakas pa ang kahandaan sa sakuna
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH
Nagpulong, araw ng Huwebes, ang mga Disaster Risk Reduction and Management Officers ng Maguindanao del Sur mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.
Sa ginanap na pulong, inilatag ang mga update kaugnay sa estado ng kahandaan sa mga sakuna sa probinsya.
Tinalakay din ang mga suliranin at pangangailangan ng probinsya kaugnay sa disaster preparedness at response.
Suportado naman ng Provincial Government ang hakbang na ito.
Sa mensahe ni Provincial Administrator Datu Nur Ali Midtimbang, ipinaabot ang suporta ni Governor Datu Ali Midtimbang sa mga pagsisikap ng mga lokal na DRRM officers at pinanatili ang pangako ng probinsya na patuloy na palakasin ang kakayahan ng mga DRRM personnel para sa kapakanan ng mga komunidad.



Comments