Dispatcher, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Kalaboso ang isang dispatcher sa Cotabato City sa buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad.
Ang suspek ay 34-anyos, residente ng Purok Simento, Tukananes, Poblacion 7.
Inaresto ito alas-12:30 ng tanghali, araw ng Huwebes, Agosto 28, 2025 sa Jose Lim Street, Barangay Poblacion 6 ng lungsod.
Ang operasyon ay ikinasa ng Special Drug Enforcement Team (SDET) ng Police Station 1 katuwang ang PDEA BARMM.
Agad dinala ang suspek sa Police Station 1 para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.



Comments