DRIVER, ARESTADO! Matapos makuhanan ng ₱272,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang baril sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ranny”, 37-anyos, may-asawa.
Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 40 gramo ng hinihinalang shabu.
Narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia, isang caliber .38 revolver, at dalawang bala.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrants kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kabacan Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa PNP Forensic Unit sa Kidapawan City para sa karagdagang pagsusuri.



Comments