top of page

Driver, Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Magsaysay, Parang, Maguindanao del Norte

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Huli ng awtoridad ang isang driver sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Magsaysay. Kinilala ang suspek na si alyas "Ayob", 32-anyos, may asawa, at residente ng Sitio Miramar, Barangay Poblacion 2, Parang, Maguindanao del Norte.


Inaresto ito, araw ng Martes, February 24, alas 11 ng umaga.


Nasamsam sa suspek ang all-weather tooter at tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 0.05 gramo at tinatayang street value na ₱650.


Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Parang Municipal Police Station, MDEU Parang MPS, at PDEU ng MDNPPO.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Parang MPS ang suspek matapos ang dokumentasyon, imbentaryo, at pagkaka-mark ng mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page