Driver, binaril ng 2 hindi pa kilalang mga suspek sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Binaril ang isang driver habang nagmamaneho ng motosiklo sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Sakay ng motorsiklo ang biktima na si alyas “Cloud”, bandang alas-8 ng gabi, araw ng Biyernes, Enero 3, 2026, nang pagbabarilin sa Sitio Omar, Barangay Crossing Simuay.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naka-iwas umano ang biktima at hindi tinamaan. Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na lugar.
Bandang alas-8:04 ng gabi nang maipagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente at alas-8:07 ng gabi nang rumesponde ang mga pulis. Sa isinagawang crime scene processing, apat (4) na basyo ng bala ang narekober sa lugar ng insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril. Hinihikayat ng awtoridad ang sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.



Comments